Noong October 16, 2023 inilunsad ng LGU ang Integrated Business Permits and Licensing Services (IBPLS) sa Balon Bayambang Events Center, sa pangunguna ni ICTO head, Ricky Bulalakaw, bilang isang instrumento ng mas lalong pinabilis na pag-aapply para sa mga business permits at iba pang dokumento gamit ang information technology.
Ito ay dinaluhan ng mismong OIC Regional Director ng DICT-R1 na si Engr. Reynaldo T. Sy, na nagbigay ng kanyang pagbati sa bayan ng Bayambang sa pagkakaroon ng naturang sistema.
Ang IBPLS, aniya ay “isang pagtugon sa utos ng Presidente na ma-digitalize na ang lahat ng sistema ng pamahalaan mapa-national man o local government.”
Paliwanag naman ni G. Bulalakaw, ang pagkakaroon ng isang mas mabilis na pag-apply ng mga business permits at iba pang business requirements na kailangan ng isang business owner ay isang pagtalima sa Ease of Doing Business Act. Aniya, “The beauty of this system is to make businesses or establishing business startups a lot easier. The easier it is to create businesses, mas madali din siyempre sa LGU na kumita, na siya namang ating itinatranslate into public services.”
Bunsod nito, inanyayahan niya ang mga gustong mag-invest na magsimula ng isang negosyo dito sa bayan ng Bayambang. Sa pamamagitan din ng pagkakaroon ng maraming negosyo ay magiging isang oportunidad din ito na makapagcreate ng maraming trabaho. Dagdag pa niya, ito ay hindi para lang kumita ang LGU, kundi upang kumita rin ang mga tao.
Ang iBPLS kung gayon, pagwawakas niya, ay akmang-akma sa ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan.
Inihayag naman sa launching ceremony ni Municipal Treasurer Luisita B. Danan na “out of 1,634 municipalities, mayroon lamang 894 LGU users ang IBPLS sa ngayon, at sa Pangasinan, ang Bayambang ay ang 31st municipality na nagcomply sa pag-adopt nito.”
Ayon pa kay Gng. Danan, “The main goal of IBPLS is to help LGUs expedite the processing and issuance of business permits, building permits, certificate of occupancy, at barangay clearance. The use of IBPLS is to streamline the application approval and renewal processes, reduce bureaucracy, eliminate red tape, and improve overall efficiency and transparency in government services related to business permits and licenses na siyang mas makakapang-engganyo sa mas maraming pang negosyante.”
Wika naman ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, isang milestone ang launching ng IBPLS sa bayan ng Bayambang. “In the spirit of innovation and efficiency, the IBPLS promises to streamline and speed up the process of acquiring business permits and licenses, reducing red tape, and enhancing the ease of doing business. Ang paglulunsad po ng IBPLS ay isang mahalagang hakbang patungo sa ating pangako tungo sa ating palilingkod sa ating komunidad, pagpapaunlad ng ekonomiya at upang matulungan ang ating mga business owners.”
Sinundan naman agad ito ng isang AVP ukol sa IBPLS, kabilang ang kung paano mag-enroll dito.
Pinangunahan naman ni DICT Information Systems Analyst I, Zandro C. Tocalo, ang awarding of certificates para sa mga naging trainees sa IBPLS na taga-LGU.
Bilang pangwakas na mensahe, binigyang-diin ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, ang importansya ng oras sa mga businesses, kaya ang IBPLS aniya ay napakalaking tulong sa mga business owners na makapagrenew ng kanilang mga permit sa pinakamaiksing oras.
Ang launching na ito ng IBPLS, aniya, ay isang hudyat na “Bayambang is open for business!”