P2M Grant, Tinurn-over sa Napiling Benepisyaryo ni DAR Sec. Estrella

Sino nga ba ang lokal na asosasyon ng magsasaka na napiling benepisyaryo ni Kalihim Conrado M. Estrella III ng Kagawaran ng Repormang Agraryo para sa P1-million farm machinery and equipment grant?

Sila ay ang tinatawag na Sanlibo Farmers Association Inc., na rehistrado sa Security Exchange Commission sa ilalim ng bilang na CR201641313.

Binubuo ang asosasyon ng 106 miyembro mula sa Agrarian Reform Communities (ARCs) na matatagpuan sa Lower Agno River Basin Agrarian Reform Community Cluster sa Bayambang, Pangasinan. Ang asosasyon ay may mga miyembro na 106 magsasaka o mangingisda na binubuo ng 119 na kalalakihan at 43 na kababaihan na may kabuuang sakahan na 197.6 na ektarya na saklaw ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Parte lamang ang P1M grant na ito ng kabuuang ipagkakaloob na Php2,080,000.00 grant ni Kalihim Estrella sa bayan ng Bayambang, bilang parte ng Sustainable and Resilient Agrarian Reform Communities (SURE ARC) program ng DAR na naglalayong taasan ang kita ng sambahayan, taasan ang ani ng mga pananim, taasan ang self-sufficiency sa pagkain ng sambahayan, at taasan ang bilang ng mga kababaihang kasangkot sa agro-enterprise.


Ang iba pang nakahanay na grant ni Secretary Estrella ay ang Pagpapatayo ng Nursery (Greenhouse) sa Barangay Sanlibo sa halagang Php810,000 at ang pagbili ng Greenhouse Start-up Kit sa halagang Php278,150.