P1-Milyong Donasyon mula sa Quiambao-Jose Family, Handog sa mga Nasalantang Magsasaka!

Ang pamilya Quiambao-Jose ay nagbigay ng isang milyong piso (₱1,000,000) sa pamamagitan ng Niña Cares Foundation bilang tulong sa mga magsasakang nasalanta ng kalamidad sa bayan ng Bayambang.

Ang nasabing donasyon ay inaasahang magbibigay ng malaking ginhawa sa ating mga kababayang magsasaka na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang pagbaha.

Nakatakdang manguna ang Municipal Agriculture Office sa pagsusuri at pagtukoy kung sinu-sino ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng ayuda upang matiyak na ito ay makakarating sa mga tunay na nangangailangan.

Sa gitna ng mga hamon, patuloy ang pagdaloy ng malasakit at bayanihan sa Bayambang — isang patunay na sa pagtutulungan, anumang pagsubok ay kayang lagpasan. (KB/RSO; AG)

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka