Sa ginanap na flag-raising ceremony noong May 26, 2025, sa Events Center, tinanggap nina Special Assistant to the Mayor (SATOM), Dr. Cezar T. Quiambao at Bayambang Polytechnic College President, Dr. Rafael L. Saygo, ang P1,00,000 na donasyon ni Former DILG Secretary Atty. Benhur Abalos para sa Bayambang Polytechnic College upang magamit ito sa mga proyektong pang-akademiko at pasilidad ng mga mag-aaral.
Kasama sa turnover ceremony sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, iba pang Sangguniang Bayan members, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at mga LGU- department heads upang maging saksi ang mga ito sa pagpapakita ng pagmamalasakit ni dating Secretary Abalos sa edukasyon ng mga kabataan sa Bayambang. (VMF; larawan ni AG)