Oryentasyon sa Pagtatatag ng Kooperatiba at Pre-Registration Seminar, Isinagawa para sa Corn Farmers

Nag-organisa ang Municipal Agriculture Office ng “Orientation on How to Organize a Cooperative and Pre-registration Seminar,” ngayong araw, ika-26 ng Agosto, sa Brgy. Sapang Covered Court.

Ang Municipal Cooperative Development Office ang namuno sa orientation at ang Cooperative Development Authority (CDA)-Dagupan ang nagbigay ng mga impormasyon ukol sa pre-registration ng kooperatiba.

Dito ay binigyan ng sapat na kaalaman ang mga corn farmer tungkol sa tamang proseso ng pagpapalakas, pagtatayo, at pagpaparehistro ng isang kooperatiba. (KB/RSO; AG)