Isinagawa ang isang orientation para sa mga Bagsakan Vendors bilang bahaging proseso ng pagkuha ng Special Permit upang legal na makapagnegosyo sa loob ng Bayambang Central Terminal Bagsakan.
Ang orientation ay pinangunahan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) katuwang ang Office of Special Economic Enterprise (SEE), Rural Health Unit (RHU), at Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO).
Tinalakay sa nasabing orientation ang mga kinakailangang dokumento at proseso sa pagkuha ng Special Permit, gayundin ang mga alituntunin sa wastong pagnenegosyo, pagpapanatili ng kalinisan at sanitasyon, tamang pamamahala ng basura, at pagsunod sa mga umiiral na patakaran ng Bayambang Public Market.
Layunin ng gawaing ito na matiyak na ang lahat ng ambulant vendors ay may sapat na kaalaman sa kanilang mga responsibilidad bilang permit holders at makapagbigay ng ligtas, malinis, at maayos na serbisyo sa publiko.





