Orientation on Solo Parents, Isinagawa

Isang orientation activity para sa mga solo parents ang isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) noong Disyembre 9, 2024, sa Sangguniang Bayan Session Hall.

Pinangunahan ni Atty. Melinda Rose Fernandez at Social Welfare Officer III Evelyn C. Dismaya ng Pangasinan Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang talakayan.

Kanilang ipinaliwanag ang nilalaman ng Solo Parents’ Welfare Act (RA 8972), kabilang ang mga benepisyo tulad ng karagdagang leave credits, diskwento sa mga pangunahing bilihin, libreng edukasyon para sa kanilang mga anak, at iba pang tulong na maaaring makuha sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

Bukod sa pagbibigay ng impormasyon, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga solo parents na magtanong tungkol sa mga isyung kinakaharap nila, tulad ng proseso ng pag-avail ng benepisyo at mga kinakailangang dokumento para sa pagpaparehistro. 

Hinimok ng MSWDO ang lahat ng solo parents sa bayan na magparehistro sa kanilang tanggapan at ng masiguro rin na sila ay mabibigyan ng tamang suporta mula sa lokal na pamahalaan. (KALB/RSO; JMB, MSWDO)