Nag-umpisa nang dagsain ng mga residente ang orientation ng LGU at GCash ukol sa financial literacy, kasabay ng registration na rin para sa upgraded Community Service Card.
Ngayong araw, February 20, 2026, ginanap ang naturang aktibidad para sa mga farmers mula sa iba’t ibang barangay, sa pakikipagtulungan ng GCash sa PSA, ICTO, MPDO, MAO, at LCRO na kung saan nakapagtala ng 704 registrations.
Sa kabuuan, mayroon nang 1,826 tayong mga kababayan na registered sa Upgraded Community Service Card.
Tuluy-tuloy ang aktibidad na ito bilang parte ng digitalization sa bayan ng Bayambang. (RSO/RB; AG)





