Oral Health Month 2026, Pinaghahandaan

Upang matiyak ang maayos na paghahanda para sa Oral Health Month Celebration 2026 na gaganapin sa darating na Pebrero, nagsagawa ng finalization meeting ang mga Rural Health Unit nitong Enero 12, 2026, sa Municipal Agriculture Office Conference Room.

Dumalo sa pulong ang mga kinatawan ng Municipal Health Office, Rural Health Units I–III, Philippine Dental Association–Pangasinan Chapter, Department of Health–CHD I, mga Child Development Center (CDC) cluster heads, at iba pang katuwang na ahensya mula sa sektor ng kalusugan, nutrisyon, child development, pati na security.

Tinalakay sa pulong ang finalization ng mga aktibidad, iskedyul, at tungkulin ng bawat tanggapan kaugnay ng selebrasyon ng Oral Health Month 2026, na layong maghatid ng mas inklusibo at makabuluhang serbisyong pangkalusugan ng ngipin para sa mga residente ng bayan.

Pinangunahan ang paghahanda ng programa ni Municipal Dentist at Oral Health Program Coordinator, Dr. Dave Francis D. Junio, katuwang si Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng koordinasyon ng lahat ng partner offices upang masigurong maayos ang implementasyon ng mga aktibidad.

Kasama rin sa pulong sina Dr. Estrella Quiambao Glorioso, Hospital President, at Atty. Arnel Glorioso, Hospital Administrator, ng JKQ Medical and Wellness Center. (RGDS/RSO; JMB)