Oral Health Activities sa mga CDCs

Noong Nobyembre 26, 2024, sinimulan ng oral health team ng Municipal Health Office/RHU 1 at RHU 2 ang kanilang inisyatibo sa kalusugan ng ngipin para sa mga Child Development Centers (CDCs) ng Bayambang para sa Taong Panuruan 2024-2025.

Kabilang sa mga aktibidad ang unang aplikasyon ng fluoride, pagsulong sa kalusugan ng ngipin, at isang lektyur at drill tungkol sa pagsepilyo ng ngipin para sa mga bata.

Sa pamamagitan nito, nasasanay ang mga paslit sa mga tamang gawi sa pangangalaga ng ngipin habang maaga pa upang maging kapaki-pakinabang ang mga ito sa kanila sa habambuhay.

Namahagi rin ang team ng libreng toothbrush, toothpaste, at bitamina para sa mga bata.

Ang aktibidad ay nagsimula noong Nobyembre 26, 2024 at magtatagal hanggang Pebrero 18, 2025, at sasaklaw sa lahat ng 77 Child Development Centers sa Bayambang.

Ito ay sasabay din sa selebrasyon ng Taunang Buwan ng Kalusugan ng Ngipin sa Pebrero 2025, na higit pang magpapalakas ng kamalayan ukol sa kahalagahan ng adbokasiyang ito. (DFJ/RSO; DFJ)