OPT+ Refresher Training, Isinagawa

Ang Municipal Nutrition Action Office (MNAO) ay nagsagawa ng isang refresher training ukol sa Operation Timbang Plus (OPT+) noong Enero 29, 2026, na dinaluhan ng mga MNAO staff, mga Barangay Nutrition Scholar (BNS), at mga Barangay Health Workers (BHW).

Layunin ng training na i-refresh at paigtingin ang kaalaman ng mga kalahok upang masigurong maayos, mabilis, at tama ang kaalaman at kakayahan ng mga kawani sa tamang proseso at patakaran ng pagkuha ng timbang lalo na ng mga batang paslit.

Binigyang-diin sa training ang ukol sa OPT+ Data Quality Check form na kailangang ifill-out ng tama, upang maayos na ma-assess ang kada barangay at ang mga taga-Munisipyo pagdating sa tamang timbang.

Sa naturang pagsasanay, tinalakay ang mga pangunahing tungkulin ng mga BNS at BHW, ang tamang pagproseso ng mga dokumento, at ang mga dapat tandaan sa araw-araw na gawain.

Ang OPT Refresher Training ay nagsilbing paalala sa kahalagahan ng koordinasyon, malinaw na proseso, at pagtutulungan ng MNAO, BNS, at BHW upang mas mapalakas pa ang serbisyong pangkalusugan at pangnutrisyon para sa mga mamamayan. (Mark Andrei de Luna/RSO; AG, MNAO)