‘Oplan Taob’ at Iba pang Anti-dengue Activities, Isinagawa sa BCS

Ang RHU I ay nagconduct ng anti-dengue drive sa Bayambang Central School noong September 9.

Kabilang sa mga isinagawa ang ‘Oplan Taob’ bilang parte ng 4 O’Clock Habit ng DOH, kung saan pinayuhan ang lahat na itaob ang lahat ng nakapondong tubig sa anumang water receptacles na walang takip.

Nagsagawa rin ang mga RHU staff ng information campaign ukol sa dengue awareness and prevention.

Ininspeksyon naman ang mga silid at iba pang pasilidad  ukol sa compliance sa waste segregation.(RSO; RHU)