Oplan Semana Santa at SumVac 2025, Matagumpay na Naimplementa

Sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, naging alerto ang buong Municipal Peace and Order Council upang masiguro na tahimik at payapa ang paggunita ng Semana Santa sa apat na simbahang Katolika sa Bayambang.

Nagtulung-tulong ang PNP, BFP, BPSO, MDRRMO, mga RHU, mga force multiplier mula sa pribadong sektor, at mga barangay official upang mapanatiling maayos ang takbo ng mga tradisyunal na aktibidad sa panahon ng Kwaresma, at maigabay ng maayos ang mga turista at umuwing bakasyunista. (RSO; MDRRMC)