Oplan Linis sa Tricycle Terminal, Pinagkaisahang Isagawa ng TODA at LGU

Isang puspusang paglilinis ang isinagawa sa loob ng Tricycle Terminal ng mga opisyal at miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) katuwang ang Task Force Disiplina (TFD), Bayambang Public Safety Office (BPSO), General Services Office (GSO), Engineering Office, Special Economic Enterprise, at Environmental and Solid Waste Management Office (ESWMO).

Sa pamamagitan ng bayanihan o sama-samang pagkilos, nilinis ang paligid ng terminal upang mapanatiling maayos, malinis, at ligtas ang lugar para sa mga drayber, pasahero, at iba pang gumagamit ng pampublikong transportasyon. (RSO; TFD, SEE)