Kahit walang pasok, wala pa ring pahinga ang LGU-Bayambang, sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, upang masigurong maayos ang paggunita ng ating mga kababayan sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa panahon ng Undas 2025.
Maraming salamat sa mga walang patid sa pagsisilbing mga lingkod-bayan, sa pagtutulungan ng MDRRM Council members, partikular na ang mga kawani ng MDRRMO, PNP, BFP, BPSO/Task Force Disiplina, mga RHU, SEE, ESWMO, Engineering, at MSWDO, sa pakikipag-ugnayan sa opisyales ng mga barangay sa paligid ng mga sementeryo at memorial parks sa bayan. (RSO; MDRRMC/Oplan Kaluluwa 2025 members, Barangay DRRMCs, AG)












