Upang isulong ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga business owners pagdating sa pagbabayad ng kanilang buwis, ang Oplan “Business Permit Sita” ay isinasagawa ng LGU katuwang ang ilang national agencies.
Kaya naman ang core group nito na pinangungunahan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, ay nagpulong noong January 27, 2025 sa Mayor’s Conference Room bilang paghahanda sa nalalapit na pagbisita sa mga establisimiyento.
Sa tulong naman ng mga MTICAO staff ay naipamahagi na rin sa mga stallholders at business owners ang mga pamphlet na naglalaman ng impormasyon ukol sa deadline ng pagbabayad ng business permit hanggang January 31, 2025 at ang pagbubukas ng BPLO at Treasury Office sa January 29 kahit pa ito’y idineklarang holiday.
Kinahapunan ng parehong araw, pinangunahan naman ni Dr. Rafael Saygo ang oryentasyon ng mga miyembro ng 10 deputized teams na binuo mula sa iba’t ibang departamento ng LGU.
Ang mga grupong ito ay magkakaroon ng awtoridad na sumita at hanapin ang orihinal na kopya ng business permit at sisimulan ang kanilang pag-inspeksyon sa February 3, 2025 sa lahat ng mga business establishments sa Poblacion area.
Ang mga business owner na walang maipipresentang permit ay bibigyan ng tatlong araw na palugit upang makapagcomply at sa pagbalik ng mga deputized team sa February 7, 2025, isasara na ang mga establishments na hindi pa rin compliant.
Kaya’t siguruhing legal ang operasyon ng inyong mga negosyo upang hindi na makaranas pa ng anumang aberya. (SUG/RSO; JMB/MTICAO)