Operasyon Kontra Colorum Tricycles, Inaaraw-araw ng TFD at BPSO

Nagpatuloy ang isinagawang daily operation laban sa mga colorum na tricycle sa Bayambang bilang bahagi ng pagpapatupad ng kaayusan at disiplina sa pampublikong transportasyon.

Pinangunahan ang operasyon ng Task Force Disiplina (TFD) katuwang ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) upang matiyak na ang mga namamasadang tricycle ay sumusunod sa umiiral na mga alituntunin at may kaukulang awtorisasyon.

Layunin ng operasyon na mapanatili ang kaayusan sa mga lansangan, maisulong ang patas na hanapbuhay para sa mga lehitimong tricycle operators at drivers, at higit sa lahat ay matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga mananakay. (RSO; TFD)