Pormal nang sinimulan ang Pistay Baley Bayambang 2026 sa pamamagitan ng Opening Mass at Thanksgiving Mass, sa pangunguna ng Niña Jose-Quiambao, kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan.
Isinagawa ang banal na misa bilang pasasalamat sa mga biyayang natamo ng bayan at upang hingin ang patuloy na gabay para sa ligtas at matagumpay na pagdiriwang ng pista. Binigyang-diin ng mga pari ang kahalagahan ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagtutulungan sa komunidad.
Ang matagumpay na pagbubukas ng Pistay Baley ay bunga ng matibay na pamumuno at dedikasyon ni Mayor Jose-Quiambao sa pagsusulong ng mga programang nagpapalakas sa kultura at pagkakakilanlan ng Bayambang.
Ang naturang misa ay nagsilbing makabuluhang simula ng serye ng mga aktibidad na inaasahang magbibigay saya at magpapatibay sa diwa ng pagkakaisa ng bawat Bayambangueño.












