Base sa inisyal na inspeksyon ng Engineering Office, isa sa mga nakikitang dahilan ng pagbaha sa Tamaro-Tambac area ay ang pagbara sa drainage sa lugar dulot ng domestic waste, lalo na ng mga naipon na basurang plastic at plastic bottles.
Nakikiusap ang LGU sa mga opisyal ng naturang dalawang barangay pati na ng mga residente na tumulong sa ongoing declogging operations ngayong araw upang mas mabilis na mapahupa ang baha sa lugar.
Magbayanihan po tayo!
Sana’y maging aral ito sa ating lahat. Ang basurang ating itinapon ng walang pakundangan ay maaaring magdulot ng perwisyo sa atin at sa buong barangay.