Ang Municipal Assessor’s Office, sa pangunguna ni OIC-Municipal Assessor, Atty. Bayani B. Brillante Jr., ay kasalukuyang nagsasagawa ng pangangalap ng datos mula sa mga real property owner sa iba’t ibang barangay.
Ito ay bahagi ng paghahanda para sa pagbabalangkas ng Schedule of Market Value (SMV) at pagsasagawa ng Pangkalahatang Rebisyon ng Pagtatasa at Klasipikasyon ng mga Ari-arian (General Revision of Property Assessment and Classification), alinsunod sa Batas Republika Blg. 12001 (Real Property Valuation and Assessment Reform Act) noong Agosto 12, 13, 14 and 15, 2025 sa Brgy. Alingan, Asin, Amanperez, San Gabriel II, Iton, Pantol, Ambayat 1st, Ambayat 2nd Buenlag 2nd, Sapang, Cadre Site, Bacnono, Tambac Bongato East, at Bongato West. (text and photos: Assessor’s Office/RSO)














