“One Blood Bag, One Vote”

Naging espesyal na kapartner ang 2024 Binibining Bayambang candidates sa isa na namang blood donation drive na inorganisa ng mga Rural Health Unit, kasama ang Region 1 Medical Center ngayong araw, March 18, 2024, sa Balon Bayambang Events Center, sa temang “Dugo Mo, Karugtong ng Buhay Ko.”

Sa blood donation drive na ito, nakapagbigay ng isang boto ang kada isang blood donor sa napusuan niyang kandidata sa Binibining Bayambang 2024, at kung sino ang mayroong pinakamaraming boto ay siya ang makakuha ng titulong Ms. Red Cross sa darating na coronation night.

Sa 117 na registered donors, ang naturang blood donation ay nakalikom ng 110 blood bags na siya namang ibibigay sa Philippine Red Cross Dagupan Chapter. Ang bawat bag ng dugo ay direktang mapupunta sa ating mga kababayan na lubos na nangangailangan nito. (ni Vernaliza M. Ferrer, Angelica C. Arquinez/RSO; larawan ni JMB)