Noong August 24, 2023, bumisita sa bayan ng Bayambang ang mga validators mula sa Office of Civil Defense Region I, DILG-RI, at DOST-RI para personal na mag-inspeksyon para sa Gawad KALASAG (Kalamidad at Sakuna Sariling Galing ang Kaligtasan).
Ang Gawad KALASAG ay ang pinakaprestihiyosong parangal sa Pilipinas na iginagawad sa mga indibidwal, grupo, at ahensya na nagsusulong ng pagpapalakas ng kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan sa mga kalamidad at sakuna.
Ginanap ang validation sa Mayor’s Conference Room, MDRRMO Operations Center, at Wawa Evacuation Center, kung saan humarap sa mga bisita si MDRRMO head, Genevieve U. Benebe at kasama ng kanyang team at lahat ng miyembro ng MRRM Council.
Masusing tinignan ng validators ang implementasyon ng LGU ng apat na aspeto ng disaster resiliency: 1. Prevention and Mitigation, 2. Preparedness, 3. Response, at 4. Rehabilitation and Recovery.
Pinangunahan ang validators team ni OCD-R1 Civil Defense Officer III Mike Aldrin Sabado, at kasama niya sina DILG-R1 LGOO VII Rhodora Soriano, DOST Project Technical Assistant I Mary Ann Ofiana, at OCD-R1 Training Specialist I Rose Anne Fontalba.