OCD R1 RD Lawrence E. Mina, Muling Bumisita sa Bayambang

Ngayong araw, Agosto 22, 2025, ay malugod na sinalubong ni Local Disaster Risk Reduction and Management Officer Genevieve N. Uy si Regional Director Lawrence E. Mina ng Office of Civil Defense – Region 1 sa kanyang pagbisita sa Bayan ng Bayambang.

Isinagawa ang isang makabuluhang dayalogo hinggil sa mga naging epekto ng nagdaang pagbaha sa bayan, ang ugnayan at epekto ng ibat-ibang kailugan sa mga karatig na bayan ng Bayambang gayundin ang mga posibleng hakbang upang mapigilan o mabawasan ang epekto ng ganitong sakuna sa hinaharap.

Binisita rin ni RD Mina ang mga lugar na sentro ng paglikas partikular na ang nasa Brgy. San Gabriel 2nd upang personal na masuri ang kahandaan ng mga ito ngayong panahon ng tag-ulan.

Tumuloy ang grupo sa may Bakit-Bakit Check Gate na matatagpuan sa Barangay Bakit-Bakit, Rosales, Pangasinan. Sa pagbisita na ito ay napatunayan na ang tubig na nanggagaling sa Totonoguen Creek ay tumutuloy sa ilog Agno na nakadadagdag sa dami ng tubig na nagiging sanhi ng pagbaha sa ating bayan.

Pagpupugay at pasasalamat sa mga C/LDRRMOs Martin James Kenneth Sison ng Villasis (Villasis Mdrrmo), Regie Escaño ng Labrador, Mylene Manalastas ng Alaminos City (Alaminos City, Pangasinan – DRRMO), Ronaldo De Guzman ng Dagupan City (Dagupan Cdrrmo), Aries Aquino ng Bautista (Bautista MDRRM Office), Chris Metro ng Rosales (Rosales Mdrrmo), at Bernabe Bacani Jr. ng San Carlos City (Sancarloscity DRRMO)na aktibong nagbigay ng ulat sa pananalanta ng nakaraang bagyo at naging epekto nito sa kanilang ka-ilugan na nagsanhi ng pagbaha sa kani-kanila at mga karatig bayan.