Ang Nutrition Office ay nag-umpisang magsagawa ng isang serye ng validation activity ukol sa nutritional status ng mga lokal na mag-aaral.
Ito ay upang masigurong tama ang naitatalang timbang ng mga mag-aaral at walang nakakalusot na mga kaso ng wasting at stunting sa ating mga kabataan.
Ang validation team ay nag-umpisang magvalidate ngayong araw, October 11, 2024, sa Bayambang Central School katuwang ang dalawang DepEd Bayambang District Nurses. (RSO; photos: MNAO)