Dumating si OIC-Regional Nutrition Program Coordinator Kendall Pilgrim A. Gatan mula sa National Nutrition Council (NNC) Region 1 noong October 3, 2024, upang personal na tutukan ang implementasyon ng Tutok Kainan Program ng ahensya bilang parte ng kanilang Task Force Zero Hunger grant.
Kasama ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO), siya ay nagtungo sa Brgy. Sanlibo Covered Court upang ipakilala at talakayin ang tungkol sa programa na naglalayong tutukan ang nutrisyon ng mga buntis na itinuturing na nasa at-risk group ayon sa assessment ng MNAO team.
May 44 na buntis mula sa iba’t ibang barangay ang nakilahok, kabilang ang Brgy. Idong, Inanlorenza, Caturay, Inirangan, Maigpa, Sanlibo, at Tanolong.
Nagsilbing lecturer sina Christy Bautista ng NNC R1 at Coordinator Gatan sa Program Orientation.
Naroon din si MNAO Venus Bueno at Sanlibo Barangay Captain Luzviminda Tamondong upang batiin ang mga participants.
Nagpamahagi din ng libreng fortified brown rice bar at nutri-biscuits para sa mga buntis na benepisyaryo.
Ang programa ay magtatapos hanggang Disyembre ng taong ito. (Angela Suyom/RSO; JMB)