NIA, Nagsagawa ng Consultation Meeting ukol sa Isang Isyu

Nagsagawa ng consultation meeting ang pamunuan ng National Irrigation Authority (NIA), sa pangunguna ni Engr. John N. Molano, NIA Acting Division Manager, upang talakayin ang issue sa isang madadaanan ng Bayambang Pump Irrigation Project, ang lote sa isang pribadong subdibisyon ng Jamaica Realty Corp. sa Brgy. Buayaen.

Ang pulong ay ginanap noong Disyembre 1, 2023, sa Mayor’s Conference Room, Municipal Hall Bldg.

Ayon sa pag-uusap, hindi pa umano makapag-commit sa ngayon ang representante ng Jamaica Realty dahil tatalakayin pa anila sa top management ng kompanya ang naturang isyu.

Gayunpaman, ang mga posibleng pagpapasya na inilahad ng NIA at LGU-Bayambang sa kanila sa naturang consultation meeting ay kanilang bibigyang-suporta alang-alang sa irrigation project na ito.