Ang mga kinatawan ng National Historical Commission of the Philippines ay dumating sa Bayambang noong February 19, 2024, upang pag-usapan ang planong updated marker ng ahensya ukol sa makasaysayang pagtungo ng dating pangulong si Heneral Emilio Aguinaldo sa bayan ng Bayambang.
Sila ay sina Engr. Raul Naguit Jr. at History Researcher II Ernestine Aurea T. Quijano.
Ang planong marker installation ay parte ng proyekto ng ahensya na gunitain ang landas na tinahak ng mga rebolusyonaryo sa 44 na bayan habang kanilang ipinaglalaban ang kasarinlan ng Pilipinas sa pagtatapos ng taong 1899.
Dumalo ang MTICAO at Engineering Office sa pulong na ginanap sa Annex Bldg. Conference Room.