Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2026 Oral Health Month, muling nagsagawa ng seminar ang PDA Pangasinan Chapter katuwang ang mga Rural Health Unit ng Bayambang para sa Batch 1 at Batch 2 ng Project Buntis, na ginanap sa JKQ Medical & Wellness Center Inc. (JKQWMCI), ngayong araw, ika-10 ng Pebrero 2026.
Malugod na tinanggap ang mga buntis at first-time moms nina Dr. Dave Gamboa, Medical Director, at Dr. Estrella Glorioso, President at CEO ng JKQMWCI. Tinalakay sa seminar ang mahahalagang usapin ukol sa kalusugan ng ina at sanggol sa pangunguna nina Dr. Lorelene P. Mangarin, Ob-Gyne, para sa paksang Maternal Health, at nina Dr. Sarah G. Campos, Pediatrician, Newborn at Pediatric Care at Municipal Nutritionist Venus M. Bueno para sa Nutrition during Pregnancy and for the Newborn.
Nagbigay ng mensahe ng suporta sina Municipal Health Officer Dr. Paz F. Vallo, Dr. Esmeralda N. Buenaventura, President-Elect ng PDA Pangasinan Chapter, at Mr. Racky D. Doctor, President ng Nutridense Food Manufacturing Corp.
Namahagi din ng libreng silicon toothbrush para sa mga baby sa pangunguna ni Dr. Beah Bautista, Head ng Dental Department, kasama ang mga dentista ng RHU na sina Dr. Dave Francis Junio at Dr. Alma Bandong.
Binigyan din ang mga participants ng goodie bags mula sa Nutridense Food Manufacturing Corp. ay naglalaman ng mga produktong makakatulong sa pagpapanatili ng lakas at sustansya ng mga buntis at mga lactating moms.
Tunay ngang sa Bayambang, ang kalusugan ni mommy at baby ang priority! (KBP/RSO; DFJ)












