NFA, Pinulong ang Farmers’ Presidents ukol sa Palay Procurement Program

Pinulong ng National Food Authority – Eastern Pangasinan Branch ang mga farmers’ association presidents ng Bayambang upang iparating sa kanila ang tungkol sa Palay Procurement Program ng ahensya.

Ang pulong ay isinagawa sa SB Session Hall noong October 16, 2024.

Kabilang sa mga tinalakay nina Branch Quality Assurance Officer Shoreen Manglinong, Statistician II Jimmuel B. Barrocan, at Quality Assurance Officer Miljoy Melendez ang palay procurement procedures ng NFA, palay quality specifications, payment schemes/procedures, at iba pang usapin hinggil sa palay deliveries. (RSO; photos: MAO)