NCPC, Nakipagpulong sa Agriculture Office

Ang National Crop Protection Center ay nakipagpulong online sa lokal na pamahalaan ng Bayambang noong Enero 17, 2025, upang pagplanuhan ang isang nakatakdang training program para sa mga magsasaka ng Bayambang.

Ang NCPC ay parte ng College of Agriculture and Food Science ng University of the Philippines-Los Baños, kung saan mayroong mabuting pakikipag-ugnayan ang LGU sa suporta ni UP Los Baños Chancellor Jose V. Camacho Jr.

Ang training program ng NCPC ay gaganapin sa darating na February 16-19, 2025. (RSO; NCPC)