Isang ibong ligaw ang isinurrender ng isang residente sa Ecological Solid Waste Management Office noong December 13, 2024.
Ayon kay Rene Barrientos, ang ibon na isang brahminy kite o lawin ay nakitang nanghihina at paikot-ikot sa paglipad hanggang sa bumaba, huminto, at tumayo ito sa gitna ng bukid sa may Brgy. Buayaen noong mga 4:30 ng hapon ng December 11, 2024.
Kinabukasan, December 12, 2024, agad isinurrender ni Barrientos ang naturang ibon kay OIC-ESWMO Eduardo Angeles Jr. at Councilor Benjie de Vera.
Maayos na naihatid ng ESWMO ang naturang lawin sa CENRO Dagupan noong December 13. (RSO/RHOB; ESWMO)