Muling nagsimula noong Hulyo 21, 2025, ang tatlong araw na validation at assessment sa mga barangay na isinasagawa ng Municipal Validation and Assessment Task Team (MVATT) para sa “Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program” na itinataguyod ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang aktibidad na ito ay isang masusing pagtingin kung maayos na naipapatupad sa mga barangay ang mga programa tulad ng Barangay Road Clearing Operations, Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay, at ang Quarterly Assessment for Cleanest Barangays.
Sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG), ang municipal validation team ay binubuo ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at mga mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng munisipyo, kabilang ang Municipal Nutrition Action Office (MNAO), Municipal Engineering Office (MEO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO), Sanitary Office, Agriculture Office, Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office (MTICAO), Bayambang Public Safety Office (BPSO), at Liga ng mga Barangay, at CSO representative na Rotary Club of Bayambang.
Sa pamamagitan ng validation at assessment, napapanatili at higit pang napapabuti ang kalinisan, kaayusan, at food security sa bawat barangay. (KB/RSO; JMB)
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka












