Munting Bahay Kubo, Tinanggap na ng “Ukay for a Cause” Beneficiary

Tinanggap na ng pinagpalang benepisyaryo ang isang bahay kubo mula sa pondong nakalap ng Administrator’s Office sa kanilang isinagawang “Ukay for a Cause” noong September 8 to 9, 2023.

Ang naturang bahay kubo ay nauna nang inihatid sa tahanan ni Ms. Josiefine T. Balansag noong December 14, 2023. Si Josiefine ay isang single mom na may anim na anak, at isang 4Ps beneficiary ng Brgy. Wawa.

Bukod sa regalong bahay kubo ay bibigyan din siya ng trabaho ng MDRRMO dahil siya ay magiging caretaker ng Wawa Evacuation Center, at makakapag-aral din ng libre ang kanyang anim na anak sa pagtungtong nila sa kolehiyo dahil bukas ang Bayambang Polytechnic College para sa kanila.

(by Sharlene G. Gonzales/RSO; photos: Ace Gloria)