Municipal Trial Court at PAO, Nakatakdang Ilipat sa Bagong Gusali

Nakatakdang ilipat sa bagong gusali ang Municipal Trial Court (MTC) at Public Attorney’s Office (PAO) bilang bahagi ng patuloy na pagpapabuti ng serbisyong panghukuman at legal sa bayan.

Ang relokasyon ay naglalayong magbigay ng mas maayos, ligtas, at komportableng kapaligiran para sa mga kawani, kliyente, at iba pang transaksyon ng publiko. Inaasahang mas mapapabilis din ang proseso ng pagdinig ng mga kaso at pagbibigay ng libreng serbisyong legal sa pamamagitan ng mas modernong pasilidad.