Municipal Treasury, Tumanggap ng 3 Parangal

Ang Municipal Treasurer’s Office ay nakatanggap ng tatlong parangal mula sa Department of Finance – Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF) Region I, sa ginanap na Regional Association of Treasurers and Assessors of Region I (REGATA) Year-end Assessment Conference and Recognition of Top-Performing LGUs of Region I noong November 26-29, 2024, sa Eastwood Richmonde Hotel, Quezon City.

Malugod na tinanggap nina Municipal Treasurer Luisita Danan at OIC-Municipal Assessor at Legal Officer, Atty. Bayani Brillante Jr., at kanilang mga staff ang mga Certificate of Achievement ng LGU-Bayambang bilang:

1. Top 5 Among 1st Class Municipalities in Region I in Terms of Ratio of Locally Sourced Revenues to Total Current Operating Income for Fiscal Year 2023

2. Top 3 Highest Locally Sourced Revenues in Nominal Terms for Fiscal Year 2023

3. Top 4 Highest Locally Sourced Revenues in Nominal Terms for Fiscal Year 2022

Ang mga naturang parangal ng DOF-BLGF Region I ay isang pagkilala sa kahusayan at kontribusyon ng LGU-Bayambang sa tatlong mahahalagang kategorya ukol sa mga programa at proyektong pampinansyal.

Ang mga natanggap na pagkilala ay hindi lamang tagumpay ng Municipal Treasury office kundi tagumpay ng buong lokal na pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kasama ang mga income-generating offices na sama-samang nagsusumikap para sa mas maayos at progresibong serbisyo publiko. (Myra A. Ferrer/RSO; MTO)