Municipal Treasury at Assessor, Pinarangalan ng BLGF Region 1

Pinarangalan ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) Region 1 ng Department of Finance ang Municipal Treasury at Assessor’s Office ng Bayambang sa kanilang natatanging performance sa pangongolekta ng local revenue, kasabay ng isinagawang regular na ebalwasyon noong July 8 sa Municipal Treasury at Assessor’s Offices ng LGU-Bayambang.

Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, malugod na tinanggap ng Municipal Treasurer at OIC-Municipal Assessor ang mga sumusunod:

1. Top 3 Among First Class Municipalities in Region 1 in terms of Highest Locally Sourced Revenues in Nominal Terms for Fiscal Year 2023

2. Top 4 Among First Class Municipalities in Region 1 in terms of Highest Locally Sourced Revenues in Nominal Terms for Fiscal Year 2022

3. Top 5 Among First Class Municipalities in Region 1 in terms of Ratio of Locally Sourced Revenue to Total Current Operating Income for Fiscal Year 2023

Ang mga naturang parangal ng BLGF Region I ay isang pagkilala sa kahusayan at kontribusyon ng LGU-Bayambang sa tatlong mahahalagang kategorya ukol sa mga programa at proyektong pampinansyal.

Ang mga natanggap na pagkilala ay hindi lamang tagumpay ng mga naturang tanggapan kundi tagumpay ng buong lokal na pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kasama ang mga income-generating office na sama-samang nagsusumikap para sa mas maayos at progresibong serbisyo publiko, serbisyong may integridad, kahusayan, at pananagutan.

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka