Municipal Nutritionist, Sumalang sa Validation bilang National Contender for Best MNAO

Noong October 5, sumalang sa unang pagkakataon si Municipal Nutrition Action Officer Venus Bueno sa isang national level na Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation ng National Nutrition Council para sa taong 2022 gamit ang Zoom video.

Isa sa Ms. Bueno sa sampung contender mula sa iba’t ibang rehiyon sa pagiging Best MNAO nationwide.

Ang unang araw ng validation activity ay ginanap sa Mayor’s Conference Room kasama ang lahat ng miyembro ng Municipal Nutrition Committee.

Kabilang sa NNC Validation Team sina Nutrition Officer III Maria Cynthia B. Velasco, Nutrition Officer II Julia Marie S. Los Baños, at Nutrition Technical Program Manager ng World Vizion Christle Cubello. Sila ay masusing nagtanong kay Ms. Bueno ukol sa mga naging accomplishment ng Municipal Nutrition Action Office sa buong suporta ng Municipal Nutrition Council.

Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, isa-isang ipinagmalaki naman ni MTICAO at BPRAT head at BPC President, Dr. Rafael L. Saygo, ang mga nagawa ng MNAO mula pa sa pagkakaluklok sa puwesto ng Quiambao-Sabangan administration, lalo na ng pagbangon ng Bayambang mula sa “one of the most malnourished towns” sa buong bansa tungo sa pagiging pinakamalusog nito sa buong rehiyon.

Ang validation exit conference ay noong October 6, para busisiin naman ang mga documentary evidence na magpapatunay sa ating mahusay na implementasyon ng mga nutrition-related plans, projects, at activities.