Sa idinaos na 4th Quarter Meeting at Program Implementation Review ng Municipal Nutrition Committee (MNC) ngayong araw, December 4, 2025, sa Mayor’s Conference Room, masusing tinalakay ang mga naisakatuparang programa at naisagawang aktibidad ng komite sa ika-apat na kwarter ng kasalukuyang taon, pati na rin ang mga planong proyekto para sa susunod na taon.
Pinangunahan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, ang pagpupulong na inorganisa ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO).
Dumalo sa nasabing pagpupulong ang iba’t ibang kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga departamento ng lokal na pamahalaan, at nakinig sa mga presentasyon.
Kabilang sa mga tinalakay ang 4th quarter nutrition-related programs/activities o accomplishments sa CY 2025 ng mga assigned MNC members, partikular na ang mga program update sa national level at lokal na lebel na naka-angkla sa Municipal Nutrition Action Plan 2025, pati na rin ang mga nakahanay na plano para sa CY 2026.
Nagkaroon din ng open forum kung saan nagbahagi ng kanilang mga saloobin at suhestiyon ang mga dumalo upang mas mapabuti pa ang mga programa at serbisyo ng MNAO.
Ang pagpupulong na ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan ng Bayambang sa pagpapabuti ng kalusugan at nutrisyon ng mga mamamayan (VMF/RSO; AG)










