Municipal Museum, Binisita ng Indonesian Students

Noong Hunyo 9, 2026, nag-tour sa Municipal Museum ang ilang Indonesian students na pawang mga bisita ng Pangasinan State University-Bayambang Campus bilang parte ng kanilang familiarization tour ng iba’t ibang bayan kung saan mayroong campus ang PSU.

Sila ay binigyan ng isang guided tour ni Museum Custodian Moises Palisoc ng MTICAO, kung saan kanyang ipinakilala ang bayan ng Bayambang sa pamamagitan ng mga sining nito, kasaysayan, tradisyunal na kultura, pagpapahalaga sa edukasyon, agricultural practices, at mga maipagmamalaking anak ng bayan.

Ayon kay Palisoc, nawili ang mga bisitang Indonesian sa kanilang mga natutunan sa mga curated artifact at exhibit sa iba’t ibang gallery ng museo ng bayan. (RSO; Mun. Museum)