Municipal ESWMO Board, Tinalakay ang mga Programa at Makabagong Teknolohiya sa 1Q Meeting

Ang mga miyembro ng Municipal Solid Waste Management Board (MESWMB) ay nagtipon para sa kanilang unang quarterly meeting ngayong araw, March 26, 2026, sa Mayor’s Conference Room.

Pinangunahan ni MESWMB Chairperson, Mayor Niña Jose-Quiambao, ang pulong kasama si ESWM Officer at MENRO Ma-Lene S. Torio, kung saan pinag-usapan ang Final Waste Disposal Report, mga Waste Diversion Activities na nakatutok sa recycling at composting, pati na rin ang aplikasyon para sa MRF-ECC (Environmental Compliance Certificate) mula sa DENR.

Tinalakay sa pagtitipon ang presentasyon ng makabagong teknolohiya para sa inobasyon na naglalayong mabawasan ang basura at gawing mas episyente ang waste management.

Napag-usapan din sa pulong ang mga estratehiya sa garbage collection sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, kabilang ang posibleng pag-adjust ng collection schedules, pag-optimize ng routes, at mas pinaigting na waste segregation sa mga barangay.

Inilahad din ang mga contingency plan upang matiyak ang tuluy-tuloy at episyenteng serbisyo sa kabila ng mga krisis.

Binigyang-diin din ang pagpapalakas ng enforcement at IEC campaigns at paghahanda na rin sa nalalapit na Environmental Month Celebration 2026. (KBP/RSO; Andrew Casipit, John Paulo Ballesteros, AG)