Tinipon ng Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) ang Municipal Development Council sa isang pulong para iprisenta at ipaapruba ang Annual Investment Program ng LGU para sa taong 2025.
Ito ay ginanap noong May 22, 2024, sa Balon Bayambang Events Center.
Tumutok sa presentation and approval sina Mayor Niña Jose-Quiambao at iba pang opisyal via Zoom video.
Naroon sina Councilor Philip Dumalanta, lahat ng Punong Barangay at iba pang barangay officials, CSO representative, at concerned department heads, pati na ang representative ni Cong. Rachel Arenas na si Jessica Gueco. (nina: Sharlene Joy G. Gonzales, Maricar Perez/RSO; larawan: Ace Gloria)