Ang Rice Business Innovation System (RiceBIS) team ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice), katuwang ang Municipal Agriculture Office, ay nagsagawa ng isang pagpupulong kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Bayambang noong November 27, 2024, sa SB Session Hall upang talakayin ang progreso ng implementasyon ng RiceBIS 2.0 sa Bayambang.
Ang mga kinatawan ng PhilRice at RiceBIS ay nagbahagi ng current status ng RiceBIS communities sa Bayambang at ang kanilang kinakaharap na mga isyu, at kung anu-ano ang magagawang hakbang ng Sangguniang Bayan upang matugunan ang mga iyon para tulungang mapataas ang produktibidad at kita ng mga local farmers.
Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan nina Konsehal Mylvin Junio, Konsehal Amory Junio, Konsehal Levinson Nessus Uy, at Konsehal Gerry Flores. (VMF/RSO; larawan ni: JMB)