Municipal Cooperative Development Council, Nagpulong para sa 4th Quarter; Mga Bagong MCDC Officials, Inihalal

Nagpulong ang Municipal Cooperative Development Council (MCDC) para sa fourth quarter upang repasuhin ang mga naisagawang aktibidad sa buong taon at pag-usapan ang mga susunod na mga hakbangin.

Ang pulong ay idinaos ngayong araw, Disyembre 3, 2025, sa Mayor’s Conference Room sa temang “Matatag na Kooperatiba, Kaagapay sa Pag-ahon Mula sa Kahirapan.”

Pinangunahan ito ni Municipal Cooperative Development Officer Atty. Melinda Rose R. Fernandez, kasama ang mga pinuno at miyembro ng iba’t ibang kooperatiba sa bayan.

Sa kanyang mensahe, nagbigay-diin si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, sa mahalagang papel ng kooperatiba sa lokal na pag-unlad at pag-angat ng kabuhayan.

Bilang pangunahing tagapagsalita, ibinahagi ni Mr. Saturnino C. Distor, Chairman ng Aramal-Tocok FFF Multipurpose Cooperative, na nirepresenta ni Mr. Joseph Romuel Rosario, Cooperative Development Officer ng LGU-San Fabian, ang kanilang karanasan at best practices sa pagpapatatag ng kooperatiba.

Sinundan ito ng talakayan mula kay Mr. Rolly C. Mateo, Chairman ng Bantog Samahang Nayon Multipurpose Cooperative, na nirepresenta naman ni Ms. Zen Nambatac, Board of Director, na naglahad naman ng kanilang mga programa at inisyatiba para sa pagpapaunlad ng kanilang samahan.

Matapos nito, isinagawa ang isang eleksyon para sa mga bagong opisyal ng konseho, kung saan inihalal ang mga sumusunod:

Chairman: Mayor Niña Jose-Quiambao

Vice-Chairman: Manuel Chua ng Northern Bayambang Multi-Purpose Cooperative

Secretary: Magdalena S. Tan, BNHS Cooperative

Sub-Secretary: Joy Gabriel

Treasurer: Engr. Juan Paulo A. Ellorin

Auditor: Romel B. Carreon, Doctorio A. Caniezo