Municipal CDC, Muling Nagbukas

Ang Municipal Child Development Center ay muling nagbukas kahapon, Hulyo 7, 2025–isang proyektong inisyatibo ng LGU bilang tulong sa lahat ng empleyado na may anak na maaaring iwanan sa isang daycare center habang sila ay pumapasok sa munisipyo.

Dahil sa inisyatibong ito, hindi na kailangang mahati pa ang oras ng mga naturang kawani sa pabalik-balik na pag-uwi sa bahay masubaybayan lamang ang kalagayan ng kani-kanilang mga anak. (RSO; GGOR)