Muling naobserbahan ng RHU I ang pagtaas ng insidente ng animal bite. May 57 cases ang naitala noong April 2, at ang pagtaas na ito ay maaaring maiugnay sa inaasahang pagdami ng mga naturang insidente sa panahon ng tag-araw, dahil mas madalas ang interakshyon ng mga tao at alagang hayop tuwing bakasyon, at ang mga hayop ay mabilis mabalisa sa init ng panahon.
Sa isang lecture, idiniin ng mga RHU nurse ang kahalagahan ng pagiging isang responsible fur parent.