Dumalo ang mga kinatawan mula sa Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office (MTICAO) sa isang aktibidad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naglalayong palakasin ang kapasidad ng mga Local Government Unit (LGU) sa pagdodokumento ng kanilang best practices.
Ito ay ang “Capacity-Building Activity on the Documentation of LGU Best Practices” na ginanap noong Disyembre 5, 2025, sa Golden Rays View Hotel, Lingayen, Pangasinan.
Ang MTICAO ay kinatawan nina Vernaliza M. Ferrer at Khim Ambrie L. Ballesteros, parehong mga manunulat sa nasabing opisina.
Nagsilbing tagapagsalita sa mga lecture sina Zshyna Mae V. Amhed, Dr. Magnimydel A. Fernandez, at Jandy Z. Cacapit mula sa Pangasinan State University.
Kabilang sa mga tinalakay sa programa ang “Laying the Groundwork Guide for Planning,” na isang lecture na naglalayong magbigay ng batayan sa pagpaplano ng mga proyekto ng LGU.
Ikalawa ay ang “Capturing Real Time Action: Multi-Format Packaging of LGU Best Practices,” na tumalakay sa iba’t ibang paraan ng pagdodokumento ng mga best practices.
Panghuli ay ang “Measuring Impact to Refine Stories: Using Documented Best Practices to Drive Policy Change and Resource Mobilization,” na isang sesyon na naglalayong sukatin ang epekto ng mga best practices sa pagbabago ng polisiya at pagpapakilos ng mga resources.
Ang mga natutunan ng mga kinatawan ng MTICAO ay makakatulong sa pagpapabuti ng kanilang mga programa at proyekto para sa munisipalidad, lalo’t higit sa pagdodokumento ng best practices nito.
Ito ay isang mahalagang hakbang ng DILG at LGU-Bayambang upang maibahagi ang mga matagumpay na estratehiya at pamamaraan sa iba pang mga LGU, na naglalayong mapataas ang antas ng serbisyo publiko sa bayan. (VMF/RSO; KLB)









