MSWDO at ECCD Office, Lumipat na sa Kanilang Bagong Gusali

Simula noong Agosto 26, 2025, opisyal nang lumipat sa kanilang bagong tahanan ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Early Childhood Care and Development (ECCD) Office.

‎Ang MSWDO ay matatagpuan na ngayon sa MSWDO Multi-Purpose Building, habang ang ECCD naman ay nasa ECCD Building na parehong nasa Brgy. Magsaysay.

‎Itinuturing na malaking hakbang ang paglilipat na ito, dahil mas magiging maayos ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan, partikular sa mga sektor na higit na nangangailangan ng kalinga at suporta.

‎Ang proyektong ito ay bunga ng mabuting pamamahala ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kasama ang buong Quiambao-Sabangan administration, at ng patuloy na tamang pagbabayad ng buwis ng mga Bayambangueño, isang patunay na ang buwis ng bayan ay naibabalik sa anyo ng serbisyong tunay na pakikinabangan ng lahat. (RGDS/RSO; MSWDO)