Sa pagpupulong ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ng Bayambang, tinalakay ang mga accomplishment ng Oktubre 2025 hanggang kasalukuyan, kabilang ang mga programang may kaugnayan sa anti-criminality, anti-insurgency, at anti-illegal drugs.
Ibinahagi rin ng mga miyembro ang mga nagawang hakbang, mga naging hamon, at mga rekomendasyon upang higit pang mapaigting ang kapayapaan at kaayusan sa bayan.
Nabanggit din sa nasabing pulong ang mga karadagdang impormasyon patungkol sa pagsalubong ng Pasko nang ligtas tulad ng pagpili ng Christmas lights na may tatak ICC at pagtanggal sa mga nakasaksak na electrical gadgets bago umalis nang bahay para makaiwas sa anumang sakuna tulad ng sunog.
Karagdagan dito, bilang preparasyon sa nalalapit na bagong taon, nabanggit din sa nasabing pagtitipon na mayroong mga alloted area lamang sa pagbebenta ng paputok, mga paputok na pinapayagan lamang ibenta, lugar kung saan lamang puwedeng magpaputok, at lahat ng ito ay kinakailangan muna ng permiso at abiso ng LGU at Camp Crame.
Bukod dito, inilahad din ang Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan 2026–2028, na naglatag ng mga estratehiya para sa mas ligtas at mas maunlad na Bayambang sa mga darating na taon, kabilang ang pagpapalakas sa law enforcement coordination, mas pinaigting na anti-drug campaign, at pag-develop ng mga community-based intervention program.
Ang pulong ay ginanap nitong Disyembre 16, 2025 sa SB Session Hall, Legislative Building, at pinangunahan ito alinsunod sa payo ng MPOC-MADAC Chairperson, Mayor Niña Jose-Quiambao, at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya, organisasyon, at sektor ng komunidad. (JLT/RSO; JMB)












