MOU, Nilagdaan ng BPC at UPLB

Noong Mayo 22, 2025, isang Memorandum of Understanding (MOU) ang pormal na nilagdaan sa pagitan ng Bayambang Polytechnic College at ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na ginanap sa Executive Conference Room ng Office of the Chancellor, UPLB.

Pinangunahan nina BPC College President, Dr. Rafael Limueco Saygo, at UPLB Chancellor, Dr. Jose V. Camacho Jr., ang seremonyal na pagpirma ng MOU na sinaksihan ng mga kilalang lider-akademiko mula sa dalawang institusyon.

Ito ay isang hakbang tungo sa pang-akademikong kooperasyon, pananaliksik na kolaboratibo, palitan ng mga estudyante at guro, at mga inisyatibong nagtataguyod ng dagdag-kakayahan.

Ang partnership na ito ay nakaugat sa layunin ng parehong institusyon na itaguyod ang de-kalidad na edukasyon, isulong ang akademikong mobilidad, at lumikha ng mga makabago at mabisang solusyon para sa kaunlaran.

https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=pfbid025dTeEkAZLj78oZoHpcb5b3m5V2JB3wqhJb3roEVDThLCfaFmQC3bKBAJTWZqyYkMl&id=100084104171491&rdid=MKxOQtZ2s6zW1lYH#