Sa ginanap ng culminating program para sa pagdiriwang ng 2024 National Nutrition Month, pinarangalan ng Municipal Nutrition Council ang mga pinakamahusay na Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholars (BNSs) sa Bayambang.
Itinanghal na Most Outstanding BHW si Julie A. Ico ng Brgy. Pangdel, na siyang nanguna matapos magkamit ng 97.5% na puntos at P20,000 na cash prize.
Siya ay sinundan ni Angela S. Ibarra ng Brgy. Zone 1 na may 95.75% score at nag-uwi ng P15,000, habang si Gigi D. Agudo ng Brgy. Carungay ang pumangatlo na may 93.25% score at nagkamit ng P10,000.
Sa kabilang banda, kinilala bilang Most Oustanding BNS sina Annaliza M. Natividad ng Brgy. Sancagulis bilang kampeon na may perfect score na 100% at nag-uwi ito ng P20,000 na cash prize.
Pumangalawa si Elsie M. Baiguen ng Brgy. Magsaysay na may puntos na 93.5% at nagkamit ng P15,000 cash prize, habang si Marcelina R. Macaraeg ng Brgy. Bacnono ang pumangatlo na may iskor na 83.75% at nag-uwi ng P10,000.
Ang mga cash prizes ay nagmula sa Department of Health.
Ang mga hindi pinalad ay may consolation prize mula sa Nutrition Office. (APV/RSO; AG)